Muling aarangkada ang Procurement Service — Department of Budget and Management (PS-DBM) on Wheels upang maghatid ng Abot-kayang Produkto at Abot-kamay na Serbisyo sa aming mga pinaglilingkurang client-agencies sa Lucena City, Quezon Province.

Layunin ng PS-DBM on Wheels na ilapit ang mga ipinagbibiling common-use supplies and equipment (CSE) sa mga procuring entities sa labas ng National Capital Region o mga lugar na walang malapit na regional depot office ang ahensya.

Mula sa mga National Government Agencies, State Colleges and Universities, Government Financial Institutions, Government Owned and Controlled Corporations, hanggang sa Local Government Units, inaanyayahan ng PS-DBM ang mga kapwa lingkod-bayan mula sa Region IV-A (CALABARZON) at mga karatig na rehiyon na makilahok sa PS-DBM on Wheels in Quezon Province sa darating na July 9-10, 2025

Please take note of this quick guide to pre-order affordable CSE from PS-DBM—mula sa pag-fill out ng form hanggang sa makatanggap ng order confirmation, tiyak na simple lang ang proseso.

I-click ang link na ito para sa kopya ng pre-order. Mangyaring ipasa ang accomplished pre-order form sa online submission portal na ito. Tatanggap ang PS-DBM ng pre-orders hanggang June 30, 2025.

Are you interested to learn more? PS-DBM will also be conducting a series of online orientations. Mag-register dito upang makasali.

Bili na at Bili pa sa PS-DBM!

Sundan ang official social media accounts ng PS-DBM para sa iba pang mahahalagang anunsyo.

 
 
Back to Top