
Sang-ayon sa mandato ng Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) na mamahala ng sentralisadong procurement system para sa common-use supplies and equipment (CSE) requirements ng buong gobyerno, kabilang ang mga local government units, nagpahayag ng suporta si Pasig City Mayor Vico Sotto sa gaganaping PS-DBM on Wheels (PoW) sa kanilang lungsod.
“Kung gusto nating mapabilis ang serbisyo ng ating pamahalaan—gusto natin ng tunay at tapat na maayos ang ating serbisyo, kailangan maayos at tapat din ang ating procurement services sa ating mga nasasakupan… Malaking tulong po itong ginagawa ng PS-DBM,” saad ni Mayor Vico sa isang video message.
Batid din ng alkalde ang layunin ng PoW, ang ilapit ang mga abot-kayang ?rodukto at abot-kamay na ?erbisyo sa mga pinaglilingkurang client-agencies ng PS-DBM. Pagkakataon din ito upang palawigin ang mga probisyon ng New Government Procurement Act (NGPA) tungo sa modernisasyon ng public procurement sa bansa.
Bilang isa sa mga convenors ng Mayors for Good Governance, maigting na itinataguyod ni Mayor Vico sa kanyang pamamahala ang mga prinsipyo ng transparency at efficiency—na siya ring isinusulong ng PS-DBM sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng PoW.
“Kung gusto nating maging tapat, maayos, at mas mabilis ang serbisyo ng ating mga opisina, samantalahin natin ang pagkakataon na ito at gamitin natin ang mga serbisyo ng PS-DBM,” dagdag pa ni Mayor Vico.
Magkita-kita tayo sa November 11, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., sa Maybunga Rainforest Park. Tara na sa Pasig at Bili na, Bili pa sa PS-DBM!
___
I-click ang link na ito para sa kopya ng pre-order form:
Mangyaring ipasa ang accomplished pre-order form sa online submission portal na ito:
