Wagi ang Procurement Service–Department of Budget and Management (PS-DBM) sa paglulunsad ng PS-DBM on Wheels (PoW) sa Pasig City nitong February 24, 2026 matapos makapagtala ng ₱6.4M na kabuuang benta mula sa mga ipinamiling common-use supplies and equipment (CSE)—ito ay higit sa itinakdang sales target para sa edisyong ito ng PoW.

Batay sa datos mula sa pre-orders at walk-in transactions, bultuhang pagbili ng mga ahensya at retail purchase for personal use ng mga kawani, kabilang sa mga pumatok na CSE ang multicopy papers, record book, insecticide, at disinfectant spray.

Dinaluhan ang PoW sa Pasig hindi lang ng mga client-agencies sa Metro Manila kundi pati mula sa Central Luzon, Region IV-A (CALABARZON), at Region IV-B (MIMAROPA)—na sila ring umuwing nagwawagi matapos makapamili ng dekalidad na mga produkto sa murang halaga.

Ito rin ang naging pahayag ni DBM Secretary Rolando Toledo, “Purchasing goods via PS-DBM on Wheels allows you to save funds. How? It procures quality CSEs in bulk, allowing buyers to purchase at a lower price than the normal market cost.”

Sa kaniyang mensahe, sinang-ayunan ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Sec. Toledo hinggil sa layon ng PoW na maghatid ng abot-kayang produkto sa iba’t ibang panig ng bansa, mula national government agencies hanggang sa mga local government units.

“Makikita natin na talagang ito ay solusyon hindi lang para mapabilis kundi para makamura pa ang ating lokal na pamahalaan; hindi lamang ang ating city government kundi pati ang ating mga pamahalaang barangay… Isa po ito sa paraan para maging mas simple ang proseso… at kasunod po nito ay nakakatipid pa ang mga local government units,” ani Mayor Vico.

Bilang kauna-unahang PoW sa National Capital Region, binigyang-diin ni PS-DBM Executive Director (ED) Genmaries “Gen” Entredicho-Caong ang dahilan ng pagpili sa lungsod ng Pasig upang isagawa ito, “Pinili po naming simulan ito sa Pasig City Government bilang isa sa masugid pong kliyente ng PS-DBM na nakikiisa sa layunin ng pamahalaan na magkaroon po ng CSE sa PS-DBM.”

Bukod sa CSE procurement, nagdaos din ang PS-DBM ng client learning engagement. Ginanap din ang ceremonial turnover ng mga sasakyang binili ng Pamahalaang Lungsod mula sa PS-DBM gamit ang eMarketplace.

Abangan ang susunod na pag-arangkada ng PS-DBM on Wheels, hatid ang Abot-kayang Produkto at Abot-kamay na Serbisyo. Bili na at Bili pa sa PS-DBM! | February 26, 2026/LR

Back to Top