Bilang bahagi ng paghahanda sa gaganaping PS-DBM on Wheels sa Dagupan City, binisita ng mga kawani ng Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) ang tanggapan ni Mayor Belen T. Fernandez upang simulan ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Sa pangunguna ni Regional Operations Group Director, Engr. Jaime M. Navarrete, Jr., nakipagpulong ang PS-DBM at kabilang sa naging talakayan ang layunin ng proyekto at ang mabuting maidudulot nito sa mga regional client-agencies sa rehiyon.
Tulad ng matagumpay na pagsasagawa ng parehong programa sa Batangas City nitong June, ang PS-DBM on Wheels sa Dagupan City ay nakatakdang ilapit ang mga produkto at serbisyo ng PS-DBM sa mga lugar kung saan walang depot office ang ahensya. Inaasahang maaabot ng PS-DBM on Wheels sa Dagupan City ang mga client-agencies nito sa probinsya ng Pangasinan at mga karatig na lugar sa Region I — mula sa mga National Government Agencies, State Colleges and Universities, Government Financial Institutions, Government Owned and Controlled Corporations, hanggang sa Local Government Units.
Bukod dito, pinag-usapan din sa exploratory meeting ang proposed venue at schedule, gayundin ang iba’t ibang paraan ng pakikipagtulungan ng bawat opisina. Tuloy-tuloy ang ugnayan ng PS-DBM at ng Dagupan LGU upang isapinal ang mga detalye.
“Good news po ito… Bukod sa tipid sa oras dahil mas malapit na lokasyon, mura at tiyak dekalidad pa ang mga mabibili,” pahayag ni Mayor Fernandez sa isang Facebook post patungkol sa mga ipagbibiling Common-use Supplies and Equipment ng PS-DBM.
Hatid ang Abot-kayang Produkto at Abot-kamay na Serbisyo, magkita-kita tayo sa Oktubre 2024!
Bili na at Bili pa sa PS-DBM! | August 29, 2024
Tingnan ang iba pang larawan dito.