Bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Butuan City upang makiisa sa paglulunsad ng Public Financial Management Competency Program (PFMCP) for Local Government Units (LGU) sa Caraga, binisita ni Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) Acting Executive Director (ED) Genmaries “Gen” S. Entredicho-Caong ang depot office ng ahensya sa nasabing lugar.
Mainit na sinalubong si ED Gen, kasama sina Mr. Dave Y. Valderrama at Ms. Judith Riza D. Bleza ng Regional Operations Group, ng mga kawani ng PS Butuan Depot sa pagsasagawa nila ng ocular inspection. Naging mabuting pagkakataon din ito upang kumustahin ang estado ng operasyon ng opisina.
Para sa parehong layunin, bumisita rin sa unang pagkakataon bilang DBM Secretary si Budget Chief Amenah F. Pangandaman sa DBM Region 13 — kung saan naroroon ang PS Butuan Depot — sa ilalim ng pamumuno nina Director Maria Fe Jagna at Assistant Director Jenneth Partosa.
Sa ilang araw niyang pananatili, naging aktibo si Sec. Pangandaman sa iba’t ibang kaganapan upang isulong ang kanyang mga adbokasiya patungkol sa public financial management, open governance, at iba pa.
Sa kanya namang talakayan sa PFMCP, ibinahagi ni ED Gen ang mandato ng PS-DBM na pangasiwaan ang sentralisadong procurement ng Common-use Supplies and Equipment para sa buong gobyerno, kabilang ang mga LGUs. Kasama rin sa kanyang tinalakay ang nalalapit na paglulunsad ng Electronic Marketplace, o eMarketplace, na pinaigting ng New Government Procurement Act. | September 5, 2024/GD
TINGNAN ang iba pang larawan dito.
Kaugnay na ulat: Sec. Pangandaman thanks PS-DBM for supporting NGPA, enabling the creation of eMarketplace for gov't procurement