Itinuturing ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon Province ang proyekto ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) na PS-DBM on Wheels bilang pakikipagtulungan at pakikipagbalikatan “upang higit pang maging maayos ang serbisyo,” kaya’t suportado nila ang pagsasagawa nito sa darating na July 9-10, 2025 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang ahensya na ginanap nakaraang buwan. Dinaluhan ito ni Provincial Administrator Manuel Butardo bilang kinatawan ni Governor Doktor Helen Tan, kasama sina Provincial Human Resource Management Officer Rowell Napeñas at ilan pang opisyal.
Sa nasabing exploratory meeting, inilatag ng PS-DBM ang mga obhektibo ng programa, pati na rin ang mga naunang matagumpay na pagtatanghal nito sa Batangas at Pangasinan. Malugod naman silang sinang-ayunan sa magiging pakinabang ng paglalapit ng PS-DBM sa mga ipinagbebenta nitong common-use supplies and equipment (CSE) at iba pang serbisyo sa lalawigan.
Kasabay ng PS-DBM on Wheels ang isasagawa ring Client Learning Engagement o PS CLE na naglalayong talakayin ang mga pinakabago’t huling usad at kaganapan sa proseso at operasyon ng PS-DBM, alinsunod sa pagsasabatas ng New Government Procurement Act (NGPA). Malaking bahagi ng programa ay patungkol sa features ng modernized Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) gaya ng Virtual Store, eMarketplace, at eBidding Facility.
Bukas ang PS-DBM on Wheels at PS CLE sa mga ahensiya sa Regions IV-A and B, pati na rin sa mga karatig bayan, upang maisakatuparan ang paghahatid ng PS-DBM ng Abot-kayang Produkto at Abot-kamay na Serbisyo.
Bili Na at Bili Pa sa PS-DBM!
I-click ang link na ito para sa kopya ng pre-order form:
https://bitly.cx/lzxWU
Mangyaring ipasa ang accomplished pre-order form sa online submission portal na ito:
https://bitly.cx/wwrjo
Tatanggap ang PS-DBM ng pre-orders hanggang June 30, 2025.
Mag-register dito upang makadalo sa online orientation: