Sinimulan ng Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) nitong linggo, May 7 at 9, 2024, ang online orientation para sa PS-DBM on Wheels na gaganapin sa June 5 to 6 sa Batangas City Sports Center-Coliseum.
Sa pangunguna ng PS-DBM Marketing and Sales Division, higit 100 participants ang dumalo sa online orientation bilang representasyon ng kani-kanilang ahensya mula pa sa Regions IV-A at IV-B, kabilang ang Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro, Quezon Province, at Rizal.
Ang pagpupulong ay bahagi ng client learning engagements ng MSD-Customer Service upang gawing mas pamilyar ang client-agencies sa mga mahahalagang detalye ng PS- DBM on Wheels, tulad ng mga available Common-use Supplies and Equipment (CSE); pagpasa ng pre-order form sa online submission portal; at kabuuang proseso ng pagbili — mula sa pag-pre-order hanggang sa pag-pick up ng items.
Sa kanyang opening remarks, binigyang-diin ni MSD Chief Leah Valdez na mabuting pagkakataon ang PS-DBM on Wheels upang mailapit ng PS-DBM ang produkto’t serbisyo nito sa mga pinagsisilbihang client-agencies.
“Nais po naming palawakin pa ang aming pamamaraan sa paghahatid ng stocks sa inyo… Kami na po ang lalapit upang mapalapit sa inyo ang inyong kinakailangang CSE,” saad niya.
Ang PS-DBM on Wheels ay may temang, “Abot-kayang Produkto, Abot-kamay na Serbisyo,” na sumasaklaw at umaabot sa mga client-agencies sa labas ng National Capital Region. Ito’y paraan din ng PS-DBM upang maisakatuparan ang mandato nitong i-centralize ang CSE procurement sa buong gobyerno, alinsunod sa mga probisyon ng batas. Naaayon din ito sa Section 22 ng General Provisions ng 2024 General Appropriations Act (GAA), na nagtatakda sa mga national government agencies, government-owned and controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, and local government units na mag-procure ng CSE mula sa PS-DBM.
Ang PS-DBM on Wheels ang pinaka-unang wide scale sales caravan ng ahensya na magbibigay pokus sa mga lugar kung saan wala itong regional depot office — patunay sa dedikasyon nitong palawigin ang pagbibigay serbisyo sa buong bansa.
Bili na at Bili pa sa PS-DBM!
Patuloy na inaanyayahan ng PS-DBM ang lahat ng client-agencies sa Regions IV-A at IV-B na lumahok at dumalo sa PS-DBM on Wheels. Bisitahin ang link na ito para maka-order: https://bit.ly/PoW-2024.