Higit sa mga hakbang ng mga kawani ng Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) tungo sa finish line ng Open Government Partnership (OGP) Fun Run 2025 ay ang kanilang kolektibong pagsusulong sa adbokasiya ng aktibidad: paigtingin ang accountability, transparency, citizen participation, at digital governance sa pamamahala.
Kabilang ang PS-DBM, sa pamumuno ni Executive Director Genmaries S. Entredicho-Caong, sa humigit-kumulang 4,000 participants na nakitakbo sa Quirino Grandstand, January 26, 2025. Tiyak na naging matagumpay ang OGP Fun Run 2025 matapos maglipon ng libo-libong indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na pinagkaisa ng community spirit, wellness, at civic engagement.
Sa pangunguna ng DBM katuwang ang mga partner government agencies tulad ng PS-DBM, opisyal na pinasinayaan ng fun run ang nalalapit na Philippine OGP Asia and the Pacific Regional Meeting (APRM) sa susunod na buwan. Ang PH-OGP APRM ay nakatakdang daluhan ng mga regional leaders, civil society partners, at policy makers to exchange experiences and best practices in open government initiatives.
“This is about building a government that listens, learns, and needs its people. Together, we are proving that openness and collaboration can pave the way to a brighter and more conducive future for our generation. Kayo po ang tunay na simbolo at lakas ng ating demokrasya,” saad ni DBM Secretary at PH-OGP Chairperson Amenah F. Pangandaman sa kanyang pahayag.
Sa pagtatapos ng programa ay pinarangalan ang mga podium finishers sa men’s at women’s divisions ng race categories. Tagumpay ring maituturing ang patutunguhan ng OGP Fun Run 2025 proceeds: ang mga life-saving causes at humanitarian programs ng Philippine Red Cross.
Sa gaganaping PH-OGP APRM, aktibong makikibahagi ang PS-DBM bilang parallel session at side event presenter upang ipanalo ang open government through public procurement. | January 27, 2025/KR