Ngayong Araw ng Kababaihan, ipinagdiriwang natin ang bawat babae at kanilang ginagampanang tungkulin sa iba’t ibang industriya.

Alinsunod sa temang "Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas," kaisa ang Procurement Service - Department of Budget and Management (PS-DBM) sa pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa kinabibilangang larangan—isang paalala na ang pag-unlad ng lipunan ay hindi tuluyang makakamit kung wala ang kanilang lakas, talino, galing, at dedikasyon.

Sa bawat hakbang natin upang iangat ang kinabukasan ng kababaihan sa bansa, tinitiyak ng PS-DBM na mananatili itong progresibo sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan. Tulad sa kung paano nito itaguyod ang mga reporma sa procurement, hindi rin ito matitinag sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay—hindi lamang sa trabaho kundi sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.

Sa Bagong Pilipinas, sama-sama tayong mamuhay sa isang lipunang tunay na inklusibo, kung saan ang mga babae ay hindi napag-iiwanan, kundi nangunguna. At sa PS-DBM, napagtagumpayan na ito.

Sa katunayan, kalahati sa kasalukuyang Executive Management Committee ng ahensya ay babae, sa pangunguna ni Executive Director Genmaries S. Entredicho-Caong at sa ilalim ng gabay at pamumuno ni Department of Budget and Management Secretary Amenah F. Pangandaman.

Maligayang Araw ng Kababaihan! Mabuhay ang mga babae sa lahat ng sektor ng lipunan!

#OnePSDBM #NWMC2025 #WEcanbeEquALL

Back to Top